33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Kasong inihain vs. Chinese President Xi Jinping sa ICC pagdurugtong sa pag-asa mga Pilipino — VP Robredo

- Advertisement -

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na naibalik nila dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio – Morales ang pag-asa ng mga Plipino.

Ito’y makaraang i-reklamo ng dalawang dating opisyal ng pamahalaan si Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pag-aangkin nila ng teritroyo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Robredo, tila dinugtungan nila Del Rosario at Carpio-Morales ang pag-asang mayruon pang lakas ang Pilipinas para ipaglaban ang karapatan nito mula sa malaking bansa tulad ng Tsina.

Masaya aniya siyang mayruong tulad nila Del Rosario at Carpio-Morales na malakas ang loob na ipaglaban ang soberanya ng bansa sa nasabing karagatan at hindi nagpapatalo sa interes ng mga nasa poder.

Bagama’t naipanalo nga ng pilipinas nuon ang inihain niton protesta laban sa China, tila nabalewala naman aniya iyon dahil sa pakikipagmabutihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangulo ng Tsina na siyang utak aniya sa pangangamkam ng teritoryo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -