Kaso vs. 4 PNPA cadets na sangkot sa pambubugbog kay Desiderio isinampa na

0
26

Naisampa na sa piskalya ng Imus, Cavite ang kasong kriminal laban sa apat na kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na hinihinalang nasa likod ng hazing kay Cadet 4th Class John Desiderio.

Paglabag sa anti-hazing law ang kasong isinampa laban kina Cadet 3rd Class Jovan Sernat, Cadet 2nd Class Clarence Cabucos, Cadet 3rd Class Aaron Dahryl Villanueva at Cadet 3rd Class Paul Birung.

Ang apat na akusado ay mahaharap rin sa kasong administratibo kasama naman ang isa pang kadete.

Matatandaan na itinakbo ng ospital at naoperahan si Desiderio dahil sa di umano’y pagmamaltrato na inabot sa kamay ng kanyang upperclassmen.