Kaso sa mga sangkot sa pagkamatay ni Dormitoryo isasampa na ngayong araw o bukas

0
15

Posibleng isampa na ng Baguio City Police ang mga kaso laban sa mga sangkot sa pagkamatay dahil sa hazing ni Philippine Military Academy cadet 4th class Darwin Dormitorio, ngayong araw o bukas.

Ayon kay Police Regional Office – Cordillera Director General Israel Ephraim Dickson, hinihintay na lamang ng Baguio City pulis ang pamilya Dormitorio para pormal nang maihain ang kaso.

Dagdag ni Dickson, kabilang sa sasampahan ng reklamo ang attending physician ni Darwin sa PMA station hospital dahil sa kapabayaan.

Maliban pa aniya ito sa pitong tinukoy na suspek at direktang nagkaroon ng partisipasyon sa hazing incident.

Una nang sinabi ni Baguio City Police Chief Col. Allen Rae Co na paglabag sa anti hazing law at murder ang kanilang isasampang reklamo sa mga suspek habang patuloy din ang ginagawang pag-aaral sa ilang dokumento pagmamay-ari ni dormitorio.