33.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Kaso ng tigdas sa bansa pumalo na sa mahigit 20,000

- Advertisement -

Pumapalo na sa mahigit dalawampung libo (20,000) ang kaso ng tigdas.

Batay sa pinakahuling record ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau, nasa 21,396 measles cases ang naitala mula January 1 hanggang March 14.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng mahigit apat na libong (4,000) kasong kumpara sa parehong panahon noong 2018.

Nasa tatlong daan at labing lima (315) ang death toll sa nasabing sakit at ito ay apatnapu’t tatlong (43) mas mataas sa naitalang nasawi dahil sa tigdas noong isang taon.

Pinakamataas ang bilang ng kaso ng tigdas sa Calabarzon na nasa 4,401, National Capital Region (NCR) 4,266, Central Luzon na aabot 3,409 na kaso, Western Visayas 1,197 at Northern Mindanao 1,059.

Pinakamarami naman ang nasawi sa Calabarzon na nasa 87, NCR 85 at Central Luzon 52.

Dahil dito, nanawagan muli si Health Secretary Francisco Duque III sa health workers para palawakin pa ang pagbabakuna kontra tigdas.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -