Friday, May 3, 2024

Kaso ng pagpatiwakal sa Baguio tumaas ng 60 porsiento

- Advertisement -

(Baguio City) Inihayag ng mga local health authorities ng lungsod na tumaas 60 porsiento ang kaso ng pagpatiwakal noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung ihahambing sa pre-pandemic.

Sa ginanap na press conference noong Mierkules, Pebrero 8, 2023, Sinabi ni Dr. Khecy Colas, ang medical officer ng Baguio City Health and Services Office, na aabot sa 59 ang naitala nila ng kaso ng pagpatiwakal o suicide mula noong 2017 hangang noong 2019 o bago mag pre-pandemic period.

Tumaas ito matapos nakapagtala sila ng 95 na kaso mula noong 2020 hangang sa 2022 na COVID-19 pandemic. Ipinaliwanag niya na may mga limang mental issues na dapat bigyang atensiyon ng CHSO mental health unit. Ito ay kinabibilangan ng depression, anxiety disorders, schizophrenia, bipolar disorders, and personality disorders.

Binigyang diin ng nasabing medical officer na ang CHSO mental health unit ay nakahanda magbigay ng pagpapayo o counseling sa mga kliente upang malaman ng mga experto at  upang mabigyan sila ng tamang pangangalaga at giya kung paano sila matutulungan sa kanilang kalagayan.

Hinihikayat ang sinuman nakakaranas ng mga problemang pag iisip na sumangguni sa mga mental health experts.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img