Tumaas ang kaso ng murder sa unang tatlong (3) taon nang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y ayon mismo sa datos na inilabas ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kung saan pumalo sa mahigit 4,000 ang naitalang kaso ng murder sa kasalukuyang administrasyon na mas mataas ng animnapung porsyento kumpara sa Aquino administration na mayroon lamang 1,600 kaso.
Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, kaya tumaas ang insidente ng patayan sa bansa ay dahil mismong mga sindikato ng iligal na droga at ang mga tinatawag na ‘police scalawags’ ang siyang nagpapatayan dahil sa pinaigting na war on drugs.
Gayunman, sinabi naman ni Eleazar na bumaba ang mga naitalang insidente ng rape, homicide, physical injury, theft at carnapping sa bansa na epekto naman ng mga ipinapatupad na programa ng mga pamahalaan —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).