Radio Philippines Network
National News

Kaso ng COVID-19 sa bansa sumampa na sa mahigit 38,000 —DOH

Sumampa na sa mahigit 38,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon ito sa Department of Health (DOH) matapos madagdagan ng halos 1,000  o 999 ang kabuuang kaso ng COVID-19 ngayong Miyerkules

Sa mga nadagdag na kaso 595 ang fresh cases o bagong validated at 404 naman ang late cases kayat pumapalo na sa  38,511 ang confirmed COVID-19 cases sa bansa

Umakyat pa sa 10,438 ang total recoveries matapos madagdagan ng 205 pa samantalang naitala na sa 1,270 ang death toll matapos apat pa ang masawi dahil sa nasabing virus.

Sa mga tinaguriang fresh cases 175  ay mula sa Metro Manila, 134 ay mula sa Region 7 at ang 286 ay mula sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Sa mga late cases naman 131 ay mula sa Metro Manila, 57 ay mula sa Region 7 at ang iba pang 216 na kaso ay mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Samantala hanggang nitong nakalipas na June 29, ang Pilipinas ay mayruon nang 53 certified polymerase chain reaction facilities at 19 na GeneXpert laboratories na nakapag-test ng mahigit 666 katao.

Related posts

DFA binigyang katwiran ang pagbawi sa diplomatic passport ni Albert Del Rosario

Powered by DWIZ

Presyo ng LPG bababa ngayong Hulyo pero bigtime oil price hike naka amba na naman

Powered by DWIZ

DA hinikayat ang mga mamimili na maghanap ng murang bigas

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More