Kaso ng clam poaching ng China sa Scarborough Shoal aaksyunan

0
46

Hindi naniniwala si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na tanging pangunguha lamang ng giant clams ang ginagawa ng mga Tsino sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Locsin, sisiguruhin niyang maaaksyunan ang nasabing usapin upang maprotektahan ang mga endangered species na naroon.

Sa tweet ni Locsin, sinagot nito ang pahayag ng Malacañang na umano’y walang ibang pakay ang China sa ginagawa nitong extraction sa lugar kundi ang mga makakuha ng mga tulya, na isa aniyang malinaw na panghihimasok sa soberenya ng Pilipinas.

Samantala, binigyang diin naman ng kalihim na ang naging aksyon ng DFA na paghahain ng diplomatic protest laban sa poaching activities ng China sa Scarborough Shoal ay patunay lamang na mariin itong tinututulan ng gobyerno.

—–