Radio Philippines Network
National News

Karapatan ng sinuman ang maghain ng impeachment laban sa isang pangulo – Panelo

Hindi ipaaaresto ng gobyerno ang sinumang maghahain ng impeachment complaint laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon ito sa Malakanyang matapos magbanta ang pangulo na kaniyang ipaaaresto ang sinumang maghahain ng impeachment complaint laban sa kaniya na sinang-ayunan naman ng PNP.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, karapatan at kalayaan ng sinuman ang maghain ng impeachment laban sa isang pangulo.

Nagpapahayag lamang aniya ng pagka dismaya ang pangulo nang sabihing ipaaaresto ang mga maghahain ng impeachment complaint laban sa kaniya.

Sinabi ni Panelo na hindi maintindihan ng pangulo kung bakit hindi pinapahalagahan ang kaniyang ginagawang pagprotekta sa taumbayan at sa bayan sa isyu ng ‘Recto Bank incident’.

Related posts

Aberya sa 2019 SEA Games nais paimbestigahan ni Pangulong Duterte — Panelo

Powered by DWIZ

Mga bagong talagang pulis nanumpa na

Powered by DWIZ

Chinese national arestado matapos buhusan ng ‘taho’ ang isang pulis sa MRT

Powered by DWIZ