Kapulisan ng Baguio City naghahanda na sa Panagbenga 2024

0
36

Baguio City Police Office naghahanda na para sa Panagbenga 2024 na may pagtutuon sa hakbang tungkol sa kaligtasan habang ang lungsod ng Baguio City hinihintay na ang kagandahan ng Baguio Flower Festival 2024.

Ang Baguio City Police Office (BCPO) ay naghahanda para sa maagap na paninindigan sa pamamagitan ng pagdaraos ng kauna unahan nitong pagpupulong sa committee para sa nalalapit na Panagbenga sa BCPO Kapanalig Hall noong nakaraang araw lamang.

Sa naturang pagpupulong, ibinahagi ni Deputy City Director for Operations (DCDO) PLTCOL DOMINGO GAMBICAN ang pangunahing planong pangsekuridad ng naturang festival nakatuon sa pagbubukas ng parada at programa, crowd control at security plan sa Panagbenga sa taong ito.

Sumasaklaw sa pagtatalaga ng mga tauhan at ng mga volunteer groups para sa iba’t ibang pangyayari. Sinabi ni Baguio City Police Office City Director Police Col Bulwayan Jr., ang nagpahayag ng pangako ng kapulisan sa pagbibigay ng nakaka enganyong at walang dapat na alalahanin karanasan.

Kanyang binigyang diin na ang mga pulis ay madaling makikita at madaling malapitan sa kabuan ng festival at magdadag pa sila ng karagdagan tauhan at maging ng force multipliers na matatagpuan sa stratehikong lugar ng pagdaraanan ng parada.

Hinikayat din niya ang publiko na salubungin ng kasiyahan na may kompiyansa dahil ang inyong kapulisan ay gumagawa ng paraan upang ang kapaligiran ay may kagalakan, kultura at pinagsamasamang sekuridad ng maykapangyarihan. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Police Office)

Leave a Reply