Kapa kinasuhan na

0
47

Nagsampa na ng kaso ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Kapa Community Ministry International.

Ito ay matapos nitong masangkot sa milyun-milyong pisong investment scam.

Sa isang pahayag, sinabi ng SEC na inihain nila ang kasong paglabag sa R.A. No. 8799 o Securities Regulation Code laban sa mga opisyal ng Kapa.

Kabilang sa mga sinampahan ng reklamo ang presidente ng Kapa na si Joel Apolinario, katiwala nitong si Margie Danao at sekretarya na si Reyna Apolinario.

Ayon pa sa SEC, nakatakda rin nilang pangalanan ang iba pang sangkot sa naturang investment scam, pag-natapos na ang kanilang imbestigasyon.

Matatandaang, una nang sinabi ni Kapa spokesperson Danny Mangahas na hinihintay  lamang nilang pormal na maghain ng reklamo ang SEC upang makapag sumite na sila ng kanilang pormal na sagot sa naturang anomalya.