28.7 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Kampo ni Sister Fox nagsumite ng MR sa BI

- Advertisement -

Nagsumite na ng motion for reconsideration (MR) sa Bureau of Immigration (BI) ang kampo ni Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Kasunod na rin ito nang pagbasura ng BI sa kahilingan ni Fox na ma-extend ang kaniyang missionary visa.

Ayon kay Atty. Jobert Pahilga, isa sa mga abogado ni Fox, walang nakasaad sa nilagdaang kasunduan ng madre at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na kailangang i-extend o ma-renew ang missionary visa nito para sa susunod na sampung taon, taliwas sa naging ruling ng BI.

Kaya naman, binigyang diin ng kampo ni Fox na nuong Septyembre 5, 2014 kung kailan inaprubaha ng BI ang conversion ng tourist visa ni Fox para maging missionary visa. Nabigyan ito ng panibagong sampung taon mula sa nasabing petsa para manatili sa bansa.

Gayunman, sinabi ng kampo ni Fox na kailangan pa rin nitong mag re-apply kada dalawa o tatlong taon matapos ang petsa ng nasabing grant.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -