Naghain na ng motion for reconsideration ang kampo ni Janet Lim-Napoles kaugnay sa hatol na “guilty” ng Sandiganbayan first division ng plunder case sa kontrobersiyal na pork barrel scam.
Sa apelang isinumite ni Napoles sa anti-graft court, ginamit na rason ni Napoles ang pag-absuwelto ng korte kay dating senador Ramon Revilla Jr., sa naturang kaso.
Paliwanag pa ni Napoles, hindi siya dapat i-konsidera na “main plunderer” sa naturang kaso dahil hindi napatunayang may sabwatan sa pagitan nila ni Revilla.
Dahil aniya dito dapat umanong mapalaya ang mga itinuturing na co-conspirators.
Matatandaang, bukod kay Napoles hinatulan rin ng “guilty” si dating chief-of-staff ni Revilla na si Atty. Richard Cambe.