27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Kampanya vs. prostitusyon paiigtingin ng PNP —chief

- Advertisement -

Mas paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya kontra prostitusyon sa bansa.

Ito ay kasunod ng paglala ng kaso ng prostitusyon sa bansa na may koneksyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay PNP Chief P/Lt. Gen Archie Gamboa, hinihikayat nila ang mga may-ari ng POGO na makipagtulungan at linisin ang hanay ng kanilang mga empleyado laban sa prostitusyon.

Aniya, maaapektuhan ang mga business permits ng mga ito kung hahayaan nila ang mga nangyayaring ilegal na aktibidad sa loob ng mga POGO companies.

We need cooperation from the POGO owners,” ani Gamboa.

Iginiit rin ni Gamboa na may pananagutan ang mga pulis na kasabwat sa ilegal na aktibidad, lalo na kung national headquarters ang makahuhuli sa loob ng kanilang mga areas dahil ibig sabihin ay hindi nito ginagampanan ang kampanya kontra prostitusyon.

Once it is protected (prostitution den), hindi sya ire-raid. Sabi ko nga sa mga unit commanders, pag ang nakahuli ay galing sa nat’l headquarters, ay may pananagutan kayong lahat, dahil ibig sabihin, tolerant kayo at hindi niyo ginagampanan ang kampanya ninyo,” ani Gamboa. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -