Kampanya para sa balik-tiwala sa bakuna isinulong ng DOH

0
38

Isinulong ng Department of Health (DOH) ang kampanya para maibalik ang tiwala ng publiko sa bakuna.

Sa Pampanga, muling inilunsad ang school-based immunization program ng DOH.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Francia Laxamana na hindi masama ang bakuna dahil mabuti ito hindi lamang sa mga bata kundi sa lahat ng mga Pilipino.

Layon ng hakbang na tiyakin sa publiko na ligtas sa mga tao ang mga program ng DOH.

Batay sa datos ng Pampanga Provincial Health Office, nasa mahigit 1,600 kaso ng tigdas ang naitala sa lalawigan hanggang June 26 at ito ay doble sa naitalang bilang noong 2018 kung saan nasa 601 ang nagkasakit

Nasa 35 naman ang nasawi sa tigdas sa Pampanga.

Magugunitang nag resulta sa takot ang paggamit ng dengvaxia noong 2019 dahil sa pagkasawi ng mga batang nabakunahan.