31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Kampanya kontra terorista sa bansa lalong pinaigting ng AFP

- Advertisement -

Mas pinaigting pa ng AFP ang kampanya nito kontra mga terorista sa buong bansa.

Sa katunayan ipinabatid sa DWIZ ni Lt. General Cirilito Sobejana, hepe ng Western Mindanao Command na nagmamadali na silang ubusin ang puwersa ng Abu Sayyaf matapos ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdurog sa mga terorista.

Tiniyak ni Sobejana na hindi lamang Abu Sayyaf ang pinagtutuunan nila ng pansin kundi maging iba pang itinuturing na terorista ng Pangulong Duterte.

Kaya itong remaining days before 2019 ends talagang nagkukumahog kami na ma-reduce natin significantly is that matapos na itong problema sa Abu Sayyaf and for other threat with the instructions talagang doble o i-accelerate natin ang ating operational tempo upang sa ganun sa lalong madaling panahon matapos na lahat ng mga threats dito sa area ng nasasakupan ng Western Mindanao Command across the archipelago,” ani Sobejana. — sa panayam ng Ratsada Balita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -