35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Kampanya kontra illegal drugs mas paiigtingin pa — Gamboa

- Advertisement -

Hindi tatantanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga drug lords at iba pang mga personalidad na sangkot sa illegal na droga.

Ito ang matapang na pahayag ng bagong PNP Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa matapos na maging ganap ang pag-upo nito bilang pinuno ng 205,000 pulis.

Ayon kay Gamboa, ipinangako niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na paiigtingin pa ang kanilang kampaniya kontra illegal na droga, krimen, lalo na ang katiwalian sa kanilang hanay hanggang sa tuluyan itong mawala.

Kasunod nito, nanawagan si Gamboa sa kaniyang mga kapwa pulis na sama-samang ipagpatuloy ang kanilang krusada kontra illegal na droga. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -