Saturday, May 4, 2024

Kamara muling pinagpaliban ang pagtalakay sa 2019 PCOO budget

- Advertisement -

Pinagpaliban muli ng Kamara ang pagtalakay sa panukalang 2019 budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) dahil hindi dumalo sa pagdinig si Assistant Secretary Mocha Uson.

Si Act Teachers party-list Representative France Castro ang siya ring nag move nuong isang linggo para maipagpaliban ang pagdinig sa PCOO budget dahil wala rin dito si Uson.

Sinabi naman ni Congressman Eric Olivarez na siyang nag sponsor ng PCOO budget na pabalik pa lamang ng Pilipinas si Uson matapos imbitahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano na maging bahagi ng delegasyon ng bansa sa 73rd UN General Assembly sa New York, USA.

Iginiit ni Castro na dapat igalang ni Mocha ang co equal branch ng gobyerno at sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas.

Dapat aniyang maging accountable ito at huwag magtago sa kaniyang mga private blog.

(with report from Jill Resontoc) 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img