Friday, May 3, 2024

Kamara may kaso na rin ng COVID-19

- Advertisement -

Isang empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Kinumpirma ni House Secretary General Jose Luis Montales na ang pasyente ay mula sa printing service department ng Mababang Kapulungan.

Sinabi ni Montales na walang travel history ang nasabing pasyente kaya’t inaalam pa kung paano ito nagkaroon ng exposure sa pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Subalit noong nakalipas na linggo ay naglabas-masok na sa ospital ang naturang pasyente dahil sa sakit nito nang masuri ay nagtataglay siya ng community-acquired pneumonia.

Dahil dito, inihayag ni Montales na sasailalim na sa self-quarantine ang lahat ng mga tauhan ng printing service.

Magsasagawa na rin ng contact tracing ang Department of Health (DOH) sa lahat ng iba pang posibleng nakasalamuha ng empleyado maging ang mga mula sa iba pang departamento ng Kamara.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img