Kamara handang igiit na mas mababa ang panukala nilang dagdag buwis sa alak

0
55

Handa ang Kamara na igiit ang kanilang bersiyon ng dagdag na buwis sa alak na higit na mas mababa kumpara sa panukala ng Department of Finance (DOF) at Department of Health (DOH).

Ayon Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng Ways and Means Committee, dadalin nila sa bicameral conference committee ang pagkakaiba sa bersiyon ng bill upang dito ito maresolba.

Matatandaang pumasa na sa third and final reading ang panukalang batas na naglalayong itaas ang buwis sa beer at iba pang inuming nakalalasing.

Una nang iginiit ni Senador Pia Cayetano, chair ng senate ways and means committee na kanyang i-a-adopt ang bersiyon ng DOF at i-e-endorso ito para maaprubahan ng Senado.