Kalahati ng top ten sa mga magsisipagtapos sa PMA binubuo ng mga babae

0
45

Muling namayagpag ang isang babae, sa mga magsisipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA).

Ito ay  matapos manguna sa klase ni dione mae umalla, mula sa 263 na magsisipagtapos sa PMA “Mabalasik” Class of 2019, na sinundan naman ng class salutatorian na si Jonathan Mendoza.

Kaugnay nito, kalahati rin ng mga napabilang sa top 10 ay pawang mga kababaihan kung saan kinilala ito ni PMA Spokesman Maj. Reynan Afan, bilang sina; Jahziel Tandoc, Marnel Fundales, Glyn Marapao, at Ruth Pasos.

Samantala, kinumpirma rin naman ni Maj. Afan na pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang graduation ceremony sa darating na Mayo 26, kung saan makasasama ng pangulo sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, at AFP Chief of Staff Gen. Benjamin madrigal.

Kasunod Nito, tiniyak ni Afan na kasado na ang ipatutupad nilang seguridad sa paligid ng PMA Grounds sa Fort Gregorio del Pilar sa Baguio City.

—–