Kadete ng PNPA na posibleng biktima ng hazing isinugod sa ospital

0
23

Isang kadete ng PNPA ang isinugod sa ospital nuong Martes dahil sa matinding sakit sa tiyan matapos umanong sumailalim sa hazing.

Kinilala ni PNPA Public Information Office Chief Police Lt. Colonel Byron Allatog ang nasabing kadete na si cadet 4th class John Desiderio na una nang nagreklamo ng pananakit ng tiyan.

Si Desiderio ay kaagad isinugod sa PNPA dispensary at dahil sa rekomendasyon ng duktor kaagad itong inilipat sa PNP hospital bago sa East Avenue Hospital.

Sinabi ni Allatog na ang sinapit ni Desiderio ay posibleng kaso ng pangma-maltrato bagamat hihintayin pa nila ang pahayag ng nasabing kadete.

Nagsasagawa na aniya sila ng imbestigasyon sa insidente para matukoy ang mga posibleng anggulo sa pagkaka ospital ni Desiderio.