31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na mayroong COVID-19 nasa 2,800 na

- Advertisement -

Tuluyan nang pumalo sa 2,800 ang bilang ng mga Pilipino na tinamaan ng COVID-19 sa labas ng bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakapagtala sila ng 157 na bagong coronavirus infections na karamiha’y mula sa Gitnang Silangan.

Nananatili pa rin naman sa 334 ang mga nasawi dahil walang bagong nadagdag sa nabanggit na bilang.

Samantala, nadagdagan naman ng apat ang bilang ng mga kababayan natin na gumaling sa COVID-19 kaya’t pumalo na sa 934 ang bilang ng mga nakarekober sa ibayong dagat.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -