Kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Quezon City umabot na sa 1,518

0
27

Umakyat na sa 1,518 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Government, nananatili sa 134 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa lungsod.

Habang 337 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 12 bagong recoveries, kahapon.

Mahigit 1,100 kaso naman ang na-validate na ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Sa kasalukuyan, 34 na mga barangay sa Quezon City ang isinailalim sa extreme enhanced community quarantine dahil sa mataas na panganib ng pagkakahawa sa COVID-19 sa mga naturang lugar.