Kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa buong mundo mahigit 4-M na

0
13

Sumampa na sa higit 4-M ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling ulat ng World Health Organization (WHO), nasa kabuuang 3.9-M na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong daigdig.

Sa naturang bilang, pinakamarami pa rin ang kaso sa Estados Unidos kung saan naitala ang higit 1-M kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, 1.3-M naman ang bilang ng mga nakarerekober sa sakit habang nasa 200,000 naman ang bilang ng mga nasawi.

Samantala, nasa higit 10,000 naman ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan nasa higit 1,000 na ang nakarekober habang nasa 600 naman ang mga nasawi.