28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Kabayan Rep. Ciriaco Calalang pumanaw na sa edad na 67

- Advertisement -

Pumanaw na si Kabayan Party-list Representative Ciriaco “Acoy” Calalang ngayong umaga ng linggo, September 23 matapos ma-stroke sa edad na 67.

Ito ang kinumpirma ng executive assistant ni Calalang sa loob ng 21 taon na si Mrs. Bern Fermin-Tica.

Ayon kay Tica, isinugod at na-confine sa ospital ang kongresista noong nakaraang linggo.

Si Calalang ay ibuburol sa St. Peter Memorial Chapel sa Quezon Avenue simula sa Miyerkules, September 26.

Matatandaan na nanumpa si Calalang bilang kongresista noong Enero, ilang buwan matapos mabakante ang isa sa dalawang party-list seat ng Kabayan sa Kongreso makaraang italaga ng Pangulo si Harry Roque bilang kanyang tagapagsalita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -