Julia Barretto itinangging may inagawan siyang boyfriend

0
64

“Wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas at saka wala din akong nilandi.”

Ito ang pahayag ng aktres na si Julia Barreto hinggil sa pagkakasangkot nito sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Paglilinaw ng aktres, hindi niya naging nobyo si Anderson kaya wala siyang inagawan ng boyfriend.

Matalik na magkaibigan lang daw silang dalawa ng aktor.

Samantala, nasa healing process na raw si Julia dahil wala na raw iba pang dapat gawin kundi tigilan na ang sisihan at mag move on.

Matatandaang una nang nabalita na inamin ni Gerald sa ama ni Julia na si Dennis Padilla na nililigawan niya ang anak.