Sunday, May 5, 2024

Joma Sison tiwalang magtutuloy-tuloy ang kanilang idineklarang ceasefire

- Advertisement -

Tiwala si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Joma Sison na hindi mababahiran ng karahasan ang kanilang idineklarang limang araw na unilateral holiday ceasefire.

Ayon kay Sison, naniniwala siyang magpapatuloy nang walang problema at naayon sa schedule ang kanilang idineklarang tigil putukan dahil mahina aniya ang pwersa ng AFP, PNP at paramilitary forces.

Kasabay nito minaliit ni Sison ang kapasidad ng security forces ng pamahalaan para sirain ang idineklara nilang ceasefire at pagdiriwang limampung anibersaryo ng CPP sa Disyembre 26.

Gayunman tiniyak ni Sison na nananatili pa ring nakaalerto at nakahanda ang defense at counter offense ng npa sakaling gumawa aniya ng hakbang ang tropa ng pamahalaan.

Magugunitang, nagdeklara ng tigil putukan ang cpp mula hating gabi ng Disyembre 24 hanggang hating gabi ng Disyembre 26 at gating gabi ng Disyembre 31 hanggang hating gabi ng Enero 1, 2019.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img