JG Summit at Robinsons Retail Holdings nagluluksa sa pagpanaw ng kanilang founder

JG Summit at Robinsons Retail Holdings nagluluksa sa pagpanaw ng kanilang founder

by Powered by DWIZ
0 comment 12 views

Nagluluksa ngayon ang mga kumpaniyang JG Summit at Robinsons Retail Holdings sa pagpanaw ng kanilang founder na si business tycoon John Gokongwei Jr.

Sa pahayag na inilabas ni Charo Logarta-Lagamon, ang tagapagsalita ng JG Summit at Robinsons Retail Holdings, itinuturing nilang inspirasyon ang yumaong Gokongwei dahil sa kaniyang pagpupursige at dedikasyon.

Magsisimula aniya ang public viewing sa labi ng yumaong business tycoon bukas, Nobyembre 11 na tatagal hanggang Huwebes, Nobyembre 14 sa Heritage Park, Taguig City.

Nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Gokongwei sa Biyernes, Nobyembre 15.

Kasunod nito, umapela ang pamilya Gokongwei sa lahat ng mga nagnanais magpaabot ng bulaklak na ibigay na lamang ito sa napupusuan nilang charity institutions.

0 comment

Related Posts