30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Japanese tourist arrivals sa bansa, papasiglahin pa umano ng DOT

- Advertisement -

Pasisiglahin pa ng Department of Tourism ang “tourist arrival” para sa mga Japanese National.

Ito ay matapos na maitala ng kagawaran ang  nasa 584,238 na mga Japanese National na bumisita sa bansa sa unang anim na buwan ng 2018.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat ,  mas mataas ito kumpara sa naitalang 535,238 sa kaparehong panahon nuong 2016.

Kaugnay nito , sinabi ng kalihim na kukunin nila sina Japan Ms. Universe 2014 first Runner-Up Hiromi Nishiuchi at Japanese Model na si Izumi Loveli Shirahama bilang mga Philippine Tourism Fun Ambassador para sa pangangampaniya ng Coron, Palawan at Bohol.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -