Janet Lim-Napoles mananatili sa Camp Bagong Diwa

0
60

Mananatili ang umano’y utak ng pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ito’y makaraang mabigo ang Sandiganbayan na maglabas ng desisyon kaugnay sa pag-lipat kay Napoles sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Sa December 7 resolution na kahapon lamang isinapubliko, sinuspinde ng first division ng anti-graft court ang issuance ng commitment order na mag-uutos sa Philippine National Police (PNP) na ilipat si Napoles sa koreksyonal.

Ito’y upang mapag-aralang mabuti ng korte ang hirit ng akusado na manatili sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa habang dinidinig ang kanyang apela sa hatol na guilty sa kasong plunder.

Bukod kay Napoles, hinatulan din ng guilty ang dating chief-of-staff ni dating Senador Bong Revilla Jr. na si Richard Cambe kaugnay sa iregularidad umano sa paggamit sa P517 million pork barrel ni Revilla.