31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Janet Lim Napoles dinala na sa CIW

- Advertisement -

Dinala na sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang umano’y pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles.

Nakasaad sa sulat na nilagdaan ni Taguig City Jail Warden Chief Inspector Editha Roalla Balansay ang paglilipat kay Napoles nuong January 4.

Kinumpirma ni BJMP spokesperson Chief Inspector Xavier Solda na nasa CIW na si Napoles dakong alas kwatro ng hapon.

Una rito, ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ni Napoles na manatiling nakakulong sa Camp Bagong Diwa dahil sa isyu sa kaniyang seguridad.

Nahaharap sa kasong reclusion perpetua si Napoles dahil sa pork barrel scam.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -