James Reid nagsalita na sa kanyang pag-alis sa Viva Communications

0
18

Sa kauna – unahang pagkakataon ay nagsalita na si James Reid matapos niyang lisanin ang pangangalaga ng Viva Communications Incorporated.

Sa pahayag ni James, sa pamamagitan ng Kapunan & Castillo Law Offices, nagpasalamat ito at kinilala ang naging ambag ng Viva sa itinakbo ng kanyang career sa loob ng pitong taon.

Hindi nag renew si James ng kanyang kontrata sa Viva group dahil nais nitong tutukan ang kanyang itinatag na kumpanya.

Ngayon ay mayroon nang sariling record label si James na tinawag na “Careless Music” at Reid Entertainment Incorporated” na isang management company.