29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Jail officer patay sa pananambang sa Bacolod City

- Advertisement -

Patay ang isang Jail Officer habang sugatan naman ang 1 pang kasamahaan nito matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilang mga salarin sa Bacolod City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jail Officer 1 Jason Vargas at sugatan na si Gian Philip Yoro.

Batay sa imbestigasyon ng Bacolod City Police, sakay ang mga biktima ng isang puting pick up kasama ng 3 iba pa nang biglang pagbabarilin ng mga hindi pa natutukoy na salarin sa bahagi ng Barangay Cabug.

Sa kasalukuyan, nagkasa na ng follow up operation ang mga otoridad sa lugar para agad na mahuli ang mga salarin at matukoy ang motibo sa krimen.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -