34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Itogon Mayor pumalag sa akusasyong pagbili ng ginto ng asawa

- Advertisement -

Pumalag si Mayor Victorio Palangdan ng Itogon Benguet sa akusasyon na sadyang hinayaan niyang magpatuloy ang operasyon ng illegal small scale mining sa kanilang bayan dahil pagbili ng ginto ang negosyo ng kanyang asawa.

Ayon kay Palangdan, unang buwan pa lamang ng 2018 ay itinigil na ng kanyang asawa ang negosyo dahil tumigil na rin ang mga minero sa pagbebenta sa kanya ng ginto.

Nag-ugat aniya ito sa pulong ng Bureau of Internal Revenue (BIR), National Bureau of Investigation (NBI) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga minero kung saan inatasan silang ibenta ang kanilang ginto nang direkta sa pamahalaan.

Inamin ni Palangdan na pinagsabihan siya ng mga opisyal na ipahihinto nila sa militar ang operasyon ng small scale mining kapag hindi sila nagbenta ng ginto sa bangko sentral.

Iginiit rin ni Palangdan na sapilitan nilang pinapaalis ang mga minero sa minahan bago pa tumama ang bagyong Ompong subalit pinili ng mga minero na manatili sa lugar.

Hindi bababa sa limampu (50) ang nalibing matapos magkaroon ng landslide sa isang minahan sa Itogon Benguet sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -