Isko ipinababawi na ang lisensya, permit ng PCSO gaming outlets sa Maynila

0
46

Ipinag-utos na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapahinto ng mga business license at mayor’s permits ng lahat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaming outlets sa lunsod.

Bilang pagtalima sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, inatasan ni Moreno ang officer-in-charge ng Manila Business License office na i-withdraw ang mga lisensya at permits na inisyu sa lahat ng PCSO gaming outlests.

Magugunitang ipinahinto ni Duterte ang lahat ng gaming operations kabilang na ang lotto sa ilalim ng PCSO dahil sa umano’y kurapsiyon.

with report from Aya Yupangco (Patrol 5)