Isinampang kaso laban kay Xi Jinping sa ICC minaliit

0
50

Minaliit lamang ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang isinampang kaso laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC).

Matatandaang kinasuhan nina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales si Xi kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Guevarra, sa halip na legal aksyon ay maituturing na political statement lamang ang isinamang kaso sa ICC.

Binigyang diin pa ni Guevarra na posibleng hindi paborable ang ruling lalo pa’t mayroong jurisdictional issue at legal standing sa usapin.

Iginiit naman ni Carpio na hindi sila umaasa sa positibong desisyon mula sa ICC bagkus ay pagpapakita ito sa China na kung hindi handa ang gobyerno ng Pilipinas na idipensa ang naging tagumpay sa arbitration court ay mayroong mga Pilipinong handang manindigan para dito.

—-