Isinagawang sesyon ng Kamara sa Batangas dinepensahan

Isinagawang sesyon ng Kamara sa Batangas dinepensahan

by Powered by DWIZ
27 views

Idinepensa ni House Speaker Allan Peter Cayetano ang isinagawa nilang sesyon sa Batangas City.

Kasunod ito sa puna ng ilang senador na dagdag pasanin pa para sa mga tiga-Batangas ang pagsasagawa duon ng sesyon ng mahigit sa 200 Kongresista dahil kelangan pa silang asikasuhin.

Ayon kay Cayetano, ang sesyon nila sa Batangas City ay bilang pakiki-isa sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Magandang pagkakataon rin anya ito na mapakinggan nila ang hinaing ng mga mamamayan.

0 comment

Related Posts