Baguio City – Hiniling kamakailan lamang ng mga opisyal ng lungsod ng Baguio kay Mayor Benjamin Magalong na magpalabas ng Administrative Order na bubuo ng isang task force na tutulong na magtalaga ng tauhan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pagpapatupad ng Baguio College Education Financial Assistance grant program at tignan ang mga problema na mailalagay sa pagamyenda ng Ordinansiya bilang 116, series of 2019 gaya ng binago ng Ordinansiya bilang 45, series of 2023 at binago pa ng Ordinansiya bilang 94, series of 2023 nakabinbin pa ang pagkuha pa ng mga karagdagang tauhan na maaring ipahintulot.
Ang Ordinansiya bilang 116, series of 2019 ang magbibigay sa lokal na pamahalaaan ng Baguio College Education Financial Assistance grant program para sa mga mag aaral at ituturo ang taunang pagtatalaga ng PhP10 milyong piso sa budyet ng lungsod magsimula sa taong 2020 upang ponduhan ang naitatag na programa.
Ang Ordinansiya bilang 45, series of 2023 ang nagtataas ng pinansial na tulong sa PhP8,000 sa bawat isang benepisaryo sa inangkop na halaga ng PhP20 milyong piso na maidadag sa budyet ng taong 2022 upang masakop ang pagsasaayos.
Nais din ng Ordinansiya bilang 94, series of 2023 na magbigay ng palugit sa program upang tumanggap pa ng mga estudyante nakapasok sa paaralan kahit na ang nasa labas ng lungsod. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)