Baguio City – Isang sunog ang naganap sa loob ng compound sa Gaerlan Street, Campo Filipino, Baguio City noong Agosto 27, 2024 nang umaga ngunit naapula din ito mga bandang 8:12 din ng umaga.
Ayon sa paunang ulat, ang sunog naghatid sa 9 pamilya nag may 47 katao. May isang nasawi sa naturang sunog. Kinilala ito ng kinauukulan bilang si Jerry Derije, isang matandang lalaki.
Habang limang bahay naman ang tuluyang sinira ng apoy at dalawa ang bahagyang nasira. Ang sanhi ng sunog ay patuloy pa rin na inaalam ng Baguio Fire Department.
Mayroon mga halagang P900,000 ang nasira na ari-arian. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO-Baguio)
