Isang sundalo patay sa pamamaril sa Taguig

0
20

Dead on the spot ang isang sundalo matapos pagbabarilin sa isang resto bar sa Taguig City.

Kinilala ang biktima na si Private First Class Gerald Niko Aguilar.

Ayon kay Police Executive Master Sgt Cornelio Diones, nagalit ang suspek sa biktima nang matalsikan ito ng tansan.

Nauwi umano sa komosyon ang insidente at paglabas ng resto bar ay binaril na ng suspek si Aguilar na tinamaan sa ulo at agad na namatay.

May mga inaresto ang Taguig City Police sa grupo na naka alitan ng biktima at iniimbestigahan na sino sa mga ito ang gunman.