Isang sanggol hinostage sa Maguindanao

0
43

Hinostage ang isang pitong buwang gulang na sanggol sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.

Ayon kay Police Major Guilbert Aporbo, hepe ng Ampatuan PNP, batay sa salaysay ng lola ng biktima, inilapag lamang niya umano ang sanggol dahil may bumili sa kanilang tindahan.

Dito nagkaroon ng pagkakataon ang suspek na si alyas Kulas, 60 taong gulang na buhatin ang sanggol.

Sinabi pa umano nito sa lola ng sanggol na hihiramin niya ang bata, kumuha ng itak at sabay umalis.

Sinubukan niyang pigilan ngunit hindi na nakinig pa ang suspek.

Maya-maya pa ay nasaksihan na ang pagtapat ng suspek ng itak sa leeg ng sanggol.

Matapos ang ilang minuto, nakumbinsi rin ang suspek at nakuha ang sanggol na masuwerteng nakaligtas.

Nakatakda itong sampahan ng kasong Forcible Abduction in relation to RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse.