Isang police corporal positibo sa paggamit ng shabu sa Camp Bagong Diwa — NCRPO

Isang police corporal positibo sa paggamit ng shabu sa Camp Bagong Diwa — NCRPO

by Powered by DWIZ
30 views

Nagpositibo sa paggamit ng methamphetamine o shabu ang isang police corporal na nakadestino sa regional intelligence division sa Camp Bagong Diwa.

Kinumpirma ito mismo ni NCRPO Chief Brig. General Debold Sinas matapos lumabas ang resulta ng isinagawa nilang surprise drug test noong Enero 14.

Ayon kay Sinas, nagpositibo ang nabanggit na police corporal maging sa confirmatory test.

Dagdag ni Sinas, umamin naman ang nabanggit na pulis at ibinunyag pang may madalas siyang kasama sa pot session na isang police master sergeant mula Kampo Krame.

Gayunman, tumanggi na si Sinas na pangalanan pa ang mga nabanggit na pulis dahil nagpapatuloy pa aniya ang imbestigasyon.

Sa ngayon, dinisarmahan na ang police corporal at hinihintay na lamang nito ang summary hearing. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

0 comment

Related Posts