Isang Pinoy patay matapos malunod sa Canada

0
47

Patay ang isang Pilipino matapos malunod habang inililigtas ang kanyang kaibigan sa Calgary, Canada.

Batay sa impormasyong natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA), nangyari ang insidente sa isang Lake Syne sa Fort McMurray, Alberta noong Agosto 23.

Pagtitiyak ng DFA, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Calgary para sa pagbibigay ng tulong sa pamilya ng nasawing Pilipino gayundin ang proseso para pagbabalik sa bansa ng labi nito.

Patuloy din anilang nakamonitor at nakikipagtulungan ang Philippine Consulate General sa Canadian authorities para sa anumang development sa insidente ng paglunod ng hindi pa pinapangalanang Pilipino.