32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Isang opisyal ng MPD inireklamo ng pananakit

- Advertisement -

Inireklamo ng pananakit ng tatlong tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang opisyal ng Manila Police District (MPD).

Ito’y matapos pagpapaluin umano ng kahoy ni C/Insp. Alden Panganiban ang tatlong bagitong pulis mula sa regional unit ng ncrpo kahapon ng umaga sa kasagsagan ng traslacion ng Itim na Nazareno.

Batay sa reklamo ng mga pulis na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi umano nila nasunod ang ilang utos ni panganiban na napag alamang deputy commander ng MPD Station 11, kaya naman napikon ito at bigla na lamang silang pinalo gamit ang isang kahoy.

Bukod sa nasabing insidente ay nakaranas din ang ilang tauhan umano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng paninigaw mula kay Panganiban.

Nangyari naman ang insidente dahil di umano rin agad nasunod ng mga MMDA personnel ang utos ni Panganiban na alisin ang ilang barikada sa bahagi ng Jones Bridge dahil kailangan pa itong iparating sa kanilang mga opisyal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -