Friday, May 17, 2024

Isang OFW na nahatulan ng parusang bitay sa Kuwait laya na

- Advertisement -

Pinalaya na ng pamahalaan ng Kuwait ang Overseas Filipino Worker (OFW) na nahatulan ng parusang bitay.

Ayon kay Philippine Embassy in Kuwait Charge D’affaires at Consul General Pendosina Lomondot, pinagkalooban ng Kuwaiti government si Bienvenido  Espino ng clemency, matapos nitong makulong ng 13 taon at kabilang sa death row.

Sinabi ni Lomondot, noon pa man ay inaapela na ng gobyerno ng Pilipinas na bigyan ng pardon si Espino kung saan inilakad ito ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Aquino III.

Noong mayo taong 2008 nang mapatunayang guilty si Lomondot sa pagpatay sa kaniyang kinakasamang Filipina, kung saan sinentensyahan ito ng korte sa Kuwait ng parusang bitay o death by hanging.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -