Isang negosyante sa UAE pinanindigan ang negosyo kahit lugi na sa COVID-19 pandemic

0
16

Pinanindigan ng isang negosyante sa United Arab Emirates (UAE) kahit na nalulugi na ito dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa The Perfect Help, isang professional services company, wala pa silang tinatanggal na kahit isa sa 780 nilang mga empleyado kung saan 80% ay mga Pinoy.

Sinabi ni Maricel Violanda, human resource manager at isang Overseas Filipino Worker (OFW), naniniwala ang management ng The Perfect Help sa kanilang mga empleyado at naniniwala rin silang malalampasan rin nating lahat ng sitwasyong dala ng COVID-19.

Maliban sa hindi sila sinibak, sigurado rin ang food provision ng mga empleyado , accommodation at hygiene kit.