Tuesday, May 7, 2024

Isang miyembro ng NPA napatay sa isang engkwentro sa Abra province

- Advertisement -

(Baguio City – Malibcong Abra) Isang miyembro ng New People’s Army ang napatay sa isang labanan sa sitio Lamunan, Barangay Gacab, Malibcong, Abra noong Martes Oktubre a 3 ng taong ito.

Ayon sa nakalap nating ulat, ang nasabing Communistang Terrorista na Group na ang miyembro ay konektado sa Komiteng Larangang Guerilla North Abra o KLG North Abra.

Sa kasagsagan ng security operation ng 24th Infantry Battalion, nakasabat sila ng di mabilang na kasapi ng communist terrorist group. Ang mga maykapangyarihan ay nakarecover ng mga armas tulad ng isang M14 rifle, isang M4A1 Carbine rifle, apat na magazines, 42 piraso ng bala ng carbine rifle at 16 piraso ng M14 ammunition.

Kabilang ang personal na bagay at subersibong dokumento ang mga nakumpiska kabilang dito ang medical supplies, mga gamot at gamit pangluto at ang isang backpack.

Ayon sa paunang ulat, ang ilan sa mga miyembro ng Communistang Terroristang Grupo ay nagmula pa sa Mindanao. Ito umano ay naayon sa plano ng Ilocos Cordillera Regional Committee, sa pamumuno ni Alyas Awry, na nagmula pa sa Mindanao, na nagnanais na palakasin pa ang nanghihinang Komiteng Larangang Guerilla North Abra.

Samantala, nanawagan ang Philippine Army reiterates sa mga natitira pang miyembro ng Kommunistang terroristang grupo na magbalik loob na sa gobierno patungo sa mapayapa at progresibong buhay sa loob ng pamayanan at ng ating bansa.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jim Bernabe)

(Photo Credit PIA-Abra)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img