Isang minutong panalangin inialay sa lahat na nakikipaglaban sa COVID-19

0
39

Nag-alay ng isang minutong panalangin ang Inter Agency Task Force (IATF) para sa sambayanan lalo na sa frontliners na nakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Isang minutong katahimikan ang hiniling ni IATF Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa kanyang virtual presser.

Una nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na manalangin ang lahat ngayong Holy Wednesday na mabigyan pa ng lakas ang lahat para labanan ang COVID-19.