Isang lalaki balik kulungan sa Mexico Pampanga

0
15

Balik-kulungan ang isang lalaki na may kasong rape at homicide at pumuga sa bilangguan sa Mexico, Pampanga noong 2005.

Ang 36 na taong gulang na si Rudy Yambao ay nahuli sa mismong tinutuluyan niya sa Barangay Panipuan matapos ang higit 14 na taong pagtatago sa batas.

Sinilbihan si Yambao ng arrest warrant mula sa San Fernando Regional Trial Court.

Batay sa rekord, nakulong si Yambao sa detention facility ng Mexico Municipal Police Station ngunit pumuga noong gabi ng July 10, 2005.